TV

WATCH: Alden Richards happy with success of 'Destined To Be Yours'; confirms big concert in May

By AEDRIANNE ACAR

Lalo pang gumaganda ang bawat eksena sa Kapuso primetime series na Destined To Be Yours na pinagbibidahan ng Eat Bulaga power love team na sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Sa loob ng dalawang linggo ng pag-ere nito ay certified trending ito gabi-gabi at panalo sa TV ratings.

Sa exclusive interview ni GMA showbiz reporter Lhar Santiago kay Alden Richards, nagbigay ito ng ilang detalye sa mga dapat abangan sa Kapuso primetime series.

Kuwento niya, “Parang nahuhulog na rin si Benjie kay Sinag kasi sa mga panahong ito, so naku marami pa 'yan abangan n'yo po kung ano ba talagang mga twist ang mangyayari.”

Ganado rin ang buong staff ng programa tuwing nagta-taping dahil sa magandang samahan na nabuo.

Dagdag pa ni Alden na unti-unti na rin nasasanay si Maine sa paggawa ng soap.

“Si Maine naman nasasanay na siya, kasi nag-e-enjoy kami sa set from artista, direktor lahat hanggang ‘yung utility staff sobrang gaan ng trabaho namin sa araw-araw. Parang sana nga ang taping na lang ay Mondays-Sundays para magkakasama kami palagi.”

READ: Alden Richards prepares for first solo concert

Dapat ding abangan ng AlDub Nation sa May 27 ang pasabog na project ng Pambansang Bae, dahil handog niya sa kaniyang mga fans ang Upsurge concert niya sa Kia Theater.

“This coming May 27 po magkakaroon po ako ng show, concert sa Kia Theater so ‘yung details po hindi pa masyadong puwedeng i-reveal, to follow, pero abangan n'yo po ‘yung date and venue po is sure na, so 'yan concert pa more.”

Video courtesy of GMA News

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

Alden Richards, excited nang bumalik sa primetime

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, thankful sa pag-alalay ng director at co-stars

Alden Richards, pinuri si Maine Mendoza sa pagganap sa unang soap