
Prepared na prepared si Ken Chan sa kanyang naka-date sa E-Date Mo Si Idol.
Sa kanyang special online date nitong June 11, nagkaroon sila ng special dinner ng kanyang ka-date na si Jana.
Sila ay nagkuwentuhan habang kumakain ng pancit canton at kitang-kita ang kilig ni Jana.
Hindi lang 'yan, may sorpresa pang regalo si Ken sa kanyang ka-date. Ayon kay Ken ay ipapadala niya ang suot niya na jacket, emoji pillow at ilang skin care products.
Panoorin ang kanilang date sa E-Date Mo si Idol: