TV

EXCLUSIVE: Joross Gamboa, bilib sa pagka-humble ni Regine Velasquez

By FELIX ILAYA
"Sobrang thankful ako na biniyayaan muli ako ng GMA ng isang proyektong tulad nito," sambit ni Joross Gamboa sa exclusive interview ng GMANetwork.com habang nasa press conference ng Full House Tonight! 
 


Sa Full House Tonight! makakasama ni Joross ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Ayon kay Joross, bilib daw siya sa mapagkumbabang karakter ng singer. 

Aniya, "Natutuwa ako kasi kahit isa na siyang Regine Velasquez, nandoon na siya sa top of the food chain, hindi siya nahihiyang i-deglamorize or gawing katawatawa ang sarili niya. Humble siyang tao and I like her character, not just as an actress or a performer pero bilang isang mother and wife; 'yung lifestyle ni Regine 'yung talagang nagustohan ko sa kaniya."

Panoorin ang video interview ni Joross below upang malaman ang pasabog na kaniyang gagawin sa Full House Tonight!

MORE ON 'FULL HOUSE TONIGHT!':

IN PHOTOS: 'Full House Tonight!' press conference

GMA Network brightens up Saturday nights with Full House Tonight!

Bakit love ni Regine Velasquez na makatrabaho ang mga bakla?