TV

Bianca Umali at Miguel Tanfelix, todo ang preparasyong ginawa sa 'Full House Tonight!'

By FELIX ILAYA
Jam-packed with talent ang cast ng Full House Tonight!, from singers and dancers to comedians and actors, wala ka nang hahanapin pang iba! Kaya naman para matapatan ang kanilang cast mates, sumabak sa comedy workshop sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
 


Ayon kay Miguel, "Nag-workshop kami para ma-enhance 'yung comedy skills namin. Kasi 'pag comedy, mahirap 'yan kailangan mabilis ka mag-isip." 

Para naman kay Bianca, first time daw nila gawin ang ganitong klaseng comedy.

"Ang makikita niyong bago sa amin sa Full House Tonight!, well ito 'yung first ever na live comedy naming dalawa because nag-comedy na kami before which is sa Ismol Family pero 'yun kasi scripted and taped. Dito, first time namin siyang live gawin," saad niya.

Makakasama rin nila sa entablado ang ilan sa mga pinakamagagaling na entertainers sa industriya.

"Ang makakasama namin, full-time comedians and of course, the Songbird herself Miss Regine Velasquez na talagang may experience sa comedy. Ine-effortan namin ni Miguel na maabot namin ang comedy na kaya nilang i-execute," dagdag pa ni Bianca.

Kahit naman nakakapagod ang kanilang taping for Full House Tonight!, madali naman itong naiibsan ng mga katrabaho nilang walang humpay sa pagpapatawa.

"'Yung taping namin talagang sobrang light lang dahil sa mga kasama namin. Kahit anong oras, kahit pagod na, talagang nagsasaya pa rin kami kasi patawa nang patawa 'yung mga kasama namin. Tapos si Ate Reg, madali siyang i-approach at nakikisaya siya sa amin," sabi ng young Kapuso actor.

Ano naman kaya ang feeling na makasama sa entablado ang Asia's Songbird?

"Sobrang nakaka-starstruck kasi before, kasama namin siya (Regine Velasquez) sa variety shows like Sunday All Stars. Before, pinapanood lang namin siya pero this time sa Full House Tonight! kasama namin siya sa prod [number] kaya nakakagalak," sagot ni Bianca.

Lastly, sinabi ni Miguel na kaabang-abang ang Full House Tonight! dahil tiyak na papasiyahin nito ang Saturday nights ninyo!

Ani Miguel, "Hindi lang kami 'yung aabangan niyo doon [pati] 'yung mga kasama namin. Talagang mag-e-enjoy kayo every time manood kayo. Kung gusto niyo matawa, kumanta at sumayaw, ito 'yung show na dapat niyong abangan tuwing Saturday dahil nakakabuhay siya ng dugo."

Panoorin ang kanilang Facebook Live video below para malaman ang ginawa nila noong Valentine's Day at makita silang maglaro ng isang game.


MORE ON 'FULL HOUSE TONIGHT!':

LOOK: Meet Team 'Full House Tonight!'

EXCLUSIVE: Joross Gamboa, bilib sa pagka-humble ni Regine Velasquez

Dennis Trillo, pressured nang mapiling first guest sa pilot episode ng 'Full House Tonight!'