TV

EXCLUSIVE: Marc Abaya on rape scene with Janine Gutierrez for 'Legally Blind:' 'Mas kinabahan pa ako sa kanya'

By AL KENDRICK NOGUERA

 

 

Ipapalabas agad ang rape scene sa pagitan ng characters nina Janine Gutierrez at Marc Abaya sa unang araw ng gripping drama series na Legally Blind ngayong Lunes, February 20.

WATCH: Unang silip sa rape scene sa 'Legally Blind' kung saan kinabahan ang aktres na si Janine Gutierrez

Ang nasabing eksena ang isa sa pinakamahirap gawin dahil sa pagiging sensitibo nito. Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Marc, ikinuwento niya ang kanyang karanasan sa pag-shoot ng rape scene.

Ayon kay Marc, hindi raw naging madali ang maging isang rapist. "Throughout the rape scene, ako po 'yung mas kinabahan. Janine was very brave about it," natatawang bahagi ng aktor.

Dagdag pa niya, "Kasi it's rape so it's like a fight sequence. So every move is calculated. But Janine was very generous as an actress. Feeling ko ako 'yung babae. Parang ako 'yung na-objectify, hindi siya."

Malaki raw ang naitulong ni Janine at ang kanilang direktor na si Ricky Davao upang mapadali ang eksena. Ani Marc, "Rape is a very hard and delicate subject matter to show. But I thank God for everybody's professionalism. Everyone was very aware of it. Janine and Direk are brilliant."

"Janine is amazing. I remember her as a small kid in Party Pilipinas. And now, she makes me cry," pagtatapos niya.

Abangan ang rape scene nina Janine at Marc sa Legally Blind, ngayong February 20 na pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.

MORE ON 'LEGALLY BLIND':   

Janine Gutierrez at Lauren Young na pareho ang ex-boyfriend, paano ang working relationship sa 'Legally Blind?'

Lauren Young on working with Janine Gutierrez in 'Legally Blind:' "Kabahan siya [sa 'kin]"

Janine Gutierrez, pressured at kinakabahan sa kanyang most challenging role to date