TV

'Madrasta' stars, binalikan ang kani-kanilang most memorable moments sa set

By Cherry Sun

Bago ang nalalapit na pagtatapos ng Madrasta, binalikan nina Arra San Agustin, Juancho Trivino, Thea Tolentino, at ibang cast members ang kanilang hindi makakalimutang mga alaala sa pagbuo ng Kapuso drama series.

Most memorable moments para kina Arra at Juancho ang mga naunang eksenang kanilang kinunan para sa Madrasta.

READ: Full episodes ng Madrasta, pwede nang mapanood online!

Kuwento ni Arra, “Yung billboard scene, 'yung mga unang-una, 'yung mga breakdown scenes ni Audrey noong mga umpisang episodes ng Madrasta kasi hindi ko pa alam.. 'yun pa 'yung mga times na kinakapa ko pa 'yung character ni Audrey. Parang getting to know palang ako with my character."

Bahagi naman ni Juancho, “'Yung eksena na pumunta kami sa NAIA. Hinabol ko si Katharine doon. She left the country at hinabol namin sa NAIA. It was my first time taping sa NAIA so it was very memorable for me.”

Samantala, marami naman sa Madrasta stars na nagsabing mami-miss daw nila ang bonding at food trip in between takes. Diin pa nila, pasimuno raw sa kulitan at kainan si Gladys Reyes.