TV

WATCH: Jak Roberto, gumiling a la Dante Gulapa para sa 'Magpakailanman'

By Michelle Caligan

Sa darating na Sabado, March 23, mapapanood ang life story ng online sensation na si Dante Gulapa sa Magpakailanman. Si Dante mismo ang gaganap sa kanyang sarili, pero sina John Kenneth Giducos at Jak Roberto ang gaganap bilang bata at binatang Dante.

Jak Roberto

WATCH: Jak Roberto, bibida sa 'Magpakailanman' bilang binatang Dante Gulapa

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kara Mia actor ng isang video clip na kuha mula sa isang eksena niya sa naturang episode. Ito ang bahagi ng buhay ni Dante kung saan pinasok na niya ang pagiging macho dancer.

Abangan ang Magpakailanman ngayong Sabado, March 23, pagkatapos ng Daddy's Gurl.