TV

WATCH: Dante Gulapa, personal na itinuro kay Jak Roberto ang kanyang dance moves

By Michelle Caligan

Tampok sa Magpakailanman ngayong Sabado, March 23, ang life story ni Dante Gulapa, ang dating macho dancer na naging viral dahil sa kanyang dance moves.

Dante Gulapa at Jak Roberto

Magpakailanman presents "Viral Macho Dancer (The Dante Gulapa Story)"

Si Dante ang mismong gaganap sa kanyang sarili, pero ang Kara Mia star na si Jak Roberto ang gaganap bilang binatang Dante na pinasok ang pagiging macho dancer.

WATCH: Jak Roberto, bibida sa 'Magpakailanman' bilang binatang Dante Gulapa

Personal namang itinuro ni Dante kay Jak ang kanyang viral dance moves habang nasa set ng Magpakailanman.

"1 on 1 tutorial with Big Papa,' ani Jak sa caption.

Abangan ang 'Viral Macho Dancer: Dante Gulapa Story' ngayong Sabado sa Magpakailanman, pagkatapos ng Daddy's Gurl.