TV

Mikee Quintos and Mikoy Morales consider working with Cherie Gil a milestone

By Jansen Ramos

Excited na sina Mikee Quintos at Mikoy Morales sa kanilang bagong show na Sirkus.

Mikoy Morales gives a sneak peek of new show 'Sirkus'

Gagampanan nila ang karakter nina Mia and Miko, ang twins na may superpowers. Makakasama nila sa telefantasya sina Andre Paras, Chariz Solomon, Sef Cadayona at Klea Pineda. Samantala, bibigyang buhay naman ni Cherie Gil ang kontrabida ng kambal.

Sa kanilang unang pagsabak sa taping, aminado sina Mikee at Mikoy na kinabahan sila noong nalaman nilang makakaeksena nila ang batikang aktres na si Cherie Gil.

“Noong una, kinabahan kami ni Mikoy. Si Cherie Gil ‘yung kaeksena natin, artista na tayo! Nafi-feel ko [na] artista [na] 'ko. Na-amaze ako, bawat take, iba-iba ‘yung atake n’ya sa eksena. Nagugulat pa rin ako. ‘Di ko kailangang i-acting ‘yung reaction ko, sakyan mo lang s’ya, madadala ka na. Ganun kalakas ‘yung power of acting niya,” ani Mikee.

Hindi naman inakala ni Mikoy na makakagaanan niya ng loob ang aktres. Nawala ang kanyang kaba dahil napaka-friendly pala nito.  

 “Honestly, nakaka-intimidate, pero nung nakausap namin s’ya, ang sarap niya kausap. I was actually surprised na she sat throughout the whole kwentuhan hanggang dinner. Milestone na ‘yun sa buhay namin,” bahagi ng aktor.

Matutunghayan na ang kakaibang mundo ng salamanca sa Sirkus ngayong 2018 na.

WATCH: Misteryo at mahika