TV

Marian Rivera, hands-on host ng 'Tadhana'

Bukod sa pagbabalik hosting para sa weekend drama anthology na Tadhana, balik din sa pagbibigay ng creative contribution si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa programa.

IN PHOTOS: Marian Rivera at the 'Tadhana' media conference

Kuwento ni Marian sa naganap na Tadhana Second Anniversary pess con, “Most of the time po, nagbibigay po ako ng opinyon especially sa mga spiels, kapag may nababasa din ako, nagtatanong din ako kasi mahirap maging host lang tapos hindi ka involved sa situation na nangyayari at ikinukuwento mo ang isang istorya na hindi ka nandoon. So mas maganda na involved ako.”

Habang nasa maternity leave si Marian ay ang kaniyang asawa na si Dingdong Dantes muna ang naging host ng programa. May posibilidad kaya na mapanood naman ang DongYan sa isang episode ng Tadhana?

Marian Rivera relates her and Dingdong Dantes's time management technique

Sagot ng Kapuso Primetime Queen, naipangako na raw niya ang pagbabalik nila ni Dingdong sa Tadhana. “Well dapat actually gagawin naming itong anniversary na ito kaso si Dong kasi ang dami niyang ginagawa eh. Ang layo ng location niya so hindi kami magkaroon ng schedule na swak sa 'min pero promise ko 'yun sa Tadhana na babalik at babalik kami ni Dong together, kung hindi man siya ang mag-direct, eh kaming dalawa ang gaganap.”

Marian Rivera, sinagot ang tanong kung makakabilang siya sa cast ng 'Descendants of the Sun'

Marian Rivera relates her and Dingdong Dantes's time management technique

Marian Rivera's 'Tadhana' celebrates 2 successful years on air

Marian Rivera, breastfeeding ang sikreto sa pagpayat?