TV

Alden Richards, gustong pahalagahan ang mga bulag sa pamamagitan ng 'The Gift'

By Marah Ruiz

Gusto raw ipasilip ni Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards ang buhay ng mga bulag sa pamamagitan ng kanyang upcoming GMA Telebabad series na The Gift.

Alden Richards

Sa istorya kasi nito, mabubulag ang kanyang karakter na si Sep matapos maaksidente sa isang riot sa Divisoria.

Alden Richards, gaganap bilang bulag sa upcoming drama na 'The Gift'

"With The Gift po, bibigayan po natin ng insight 'yung makakapanood nito [kung] ano ba talaga 'yung nangyayari sa mundo ng isang bulag. Hindi naman po lingid sa kaalaaman nating lahat 'yun pero nakakatuwa din po na kahit paano makapaglagay po tayo ng teleserye or isang soap opera sa gabi na mabibigyan po ng silip [kung] paano ba nabubuhay ang taong nakakakita before tapos mabubulag eventually," pahayag ni Alden.

Sumailalim si Alden sa isang immersion para lubos na maintindihan ang kanyang karakter.

WATCH: Alden Richards, sumailalim sa isang blind immersion para sa 'The Gift'

"Coming from my experience noong nag-immerse po ako sa institute for the blind dito po sa may Cubao, sobra pong nakaka-depress 'yung sighted ka before tapos mabubulag ka. Nag-interview ako ng mga nakakakita po before tapos ngayon nabulag na. Sobra po 'yung depression kasi parang nakikita mo lahat dati. These things, we take them for granted kasi dati paggising natin sa umaga, okay nakakakita tayo, nakakarinig tayo, nakakapgsalita tayo. Pero sila, na-realize nila na in an instant nawala 'yung because of sickness, dahil sa aksidente or kung ano pa mang pong kadahilanan," kuwento niya.

Umaasa siyang mas maintindihan ng mga manonood ang isang visually-impaired na tao sa panonood ng The Gift.

"Sobrang gustung-gusto ko pong gawin 'yung character ni Sep kasi sobrang gusto ko pong ipakita sa mga manonood kung ano 'yung buhay nila at ano 'yung na-share sa akin ng mga taong walang paningin na ito. Ang sarap ikuwento ng kanilang istorya sa mga tao," ani Alden tungkol sa mga bulag na nakilala niya sa immersion.

Abangan ang pagganap ni Alden bilang Sep sa world premiere ng The Gift, September 16 na sa GMA Telebabad.