TV

Paglaki ng karakter ni Alden Richards na si Sep, mapapanood ngayong gabi sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Unang nasilayan sa opening ng pinakabagong GMA Telebabad series na The Gift si Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Ipinakilala ang kanyang karakter na si Sep na nakikipagkulitan sa kanyang Nanay Strawberry (Jo Berry).

Agad itong sinundan ng riot sa Divisoria kung saan mababaril si Sep at magfa-flash sa kanyang isipan ang kanyang buhay.

The Gift: Ang mapait na kapalaran ni Sep | Episode 1

Dito lubos pang maipapakita ang kabataan ni Sep na huhubog sa kanyang pagkatao.

Pero ngayong gabi, September 19, darating na nag pinakahihintay na pagbabalik si Alden sa serye bilang ang binatang Sep.




"'Yung role ko kasi dito very hopeful eh. Regardless of kung ano man 'yung pinagdaanan niya he always looks forward to a better future kahit may disability. Kaya din ako na-attach ako sa character na 'to is because of that," paglalarawan ni Alden kay Sep.

Sigurado din daw siya na maraming makaka-relate sa kanyang karakter sa serye.

Abangan si Alden bilang ang binatang si Sep sa The Gift, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.



WATCH: Alden Richards, na-attach sa kanyang karakter sa 'The Gift'

The Gift: Kilalanin si Sep | Teaser