TV

Alden Richards, sisiguraduhing 'sensitive' ang pagganap bilang bulag sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Hindi raw inaasahan ni Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards na gaganap siya bilang isang bulag.

Alden Richards


Kaya naman talagang challenge para sa kanyang gampanan ang kanyang role bilang si Sep, ang visually-impaired na Divisoria vendor sa kanyang upcoming GMA Telebabad series na The Gift.

"Hindi ko po naisip na gagawin ko siya pero siyempre po, being an actor, you should be open to possibilities na lahat ng roles pwede mong gawin. Itong pag-portray po ng isang disabled person, hindi ko po inakala na magiging ganito ako ka- excited na gawin siya kasi may puso po 'yung role. May puso din 'yung istorya and may puso din lahat ng character dito sa The Gift," paliwanang niya.

WATCH: Alden Richards, inaming may alinlangan bago tinanggap ang 'The Gift'

Alam din niyang kailangan niyang gampanan ang role nang may respeto sa mga taong hindi nakakakita.

"Siyempre 'pag gumagawa tayo ng roles kagaya ng ganito, kailangan natin siyang bigyan ng justice kasi 'yung pagpo-portray ng isang bulag is a very sensitive area in society. Hindi natin siya pwedeng i-take for granted. Hindi pwedeng kulang. Hindi pwedeng sobra," ani Alden.

Kaya naman minarapat ni Alden na sumailalim sa isang immersion para magkaroon ng tapat at sensitibong portrayal ng isang bulag.

WATCH: Alden Richards, sumailalim sa isang blind immersion para sa 'The Gift'

"It's a good thing din po na nagkaroon talaga ng initiative 'yung team namin na mag-immerse dito po sa culture of the blind people para at least meron tayong insight kung paano natin siya aatakihin in a creative way para hindi po tayo mapahiya with this project," bahagi niya.

Sa The Gift, mabibiyayaan ang karakter ni Alden na si Sep ng clairvoyance o kakayanang makita ang nakaraan at hinaharap matapos niyang mabulag.

Abangan ang kanyang istorya sa world premiere ng The Gift, September 16 na sa GMA Telebabad.