TV

WATCH: Blooper ng intense na eksena sa 'The Gift,' ibinahagi ni Jo Berry

By Marah Ruiz

Mula drama, tila naging comedy ang isang eksena mula sa GMA Telebabad series ng The Gift.

Isang blooper kasi ang nangyari sa gitna ng eksena sa pagitan nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at co-stars niyang sina Jean Garcia at Jo Berry.

Maririning na natawa ang mga nasa set dahil nagkamali si Alden sa kanyang linya.

"Intense scene turned to comedy. Anak!" sulat ni Jo bilang caption sa maikling video ng ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.


Panoorin ang kinalabasan ng emosyonal na eksena sa clip na ito mula sa November 22 episode ng The Gift.




Patuloy na tunghayan ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.