TV

BEHIND-THE-SCENES: Jo Berry, gigil sa nakaratay na Alden Richards sa 'The Gift'

By Marah Ruiz

Hindi napigilan ni Kapuso actress Jo Berry ang gigil sa kanyang co-star na si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa inspiring GMA Telebabad series na The Gift.

Habang nagre-rehearse ng kanilang eksena kung saan nakahiga sa isang hospital bed si Alden, pabirong kinukurot at pinipisil ni Jo ang aktor.

Hindi rin nagpahuli sa kulitan si Alden na nagdadagdag ng mga funny adlibs sa kanyang mga linya.

Gumaganap si Alden bilang Sep habang si Jo naman ang kanyang inang si Strawberry sa serye.

Panoorin ang kanilang behind-the-scenes kulitan nila sa online exclusive video na ito mula sa set ng The Gift.



Samantala, patuloy na panoorin ang huling dalawang linggo ng The Gift, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Telebabad.

BEHIND-THE-SCENES: Alden Richards pokes fun at Jo Berry's slippers on the set of 'The Gift'

WATCH: Blooper ng intense na eksena sa 'The Gift,' ibinahagi ni Jo Berry