
Ipinasilip ng lead stars ng upcoming GMA Telebabad superhero series Victor Magtanggol ang kanilang paghahanda para sa serye.
Talagang intense ang naging training nina Alden Richards, Pancho Magno, Andrea Torres at Janine Gutierrez para hubugin ang kanilang mga katawan at ma-achieve ang kani-kanilang #bodygoals.
Maaksiyon kasi ang mga eksena nila sa serye kaya kailangan silang maging fit at malakas.
Bukod dito, kailangan din ng magandang figure para maging maganda rin kalabasan ng kanilang mga costumes.
Panoorin ang kanilang training video dito:
Abangan ang Victor Magtanggol, simula July 30, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.