Renz Valerio, may lesson na natutunan mula kay Lauren Young | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Kailan lang ay nakausap ng GMANetwork.com si Renz tungkol sa kanyang working experience with Kuya Richard Gutierrez, ngayon naman ay ikukuwento ng binata ang kanyang naging working reklationship with 'Overtime' actress, Lauren Young.

Renz Valerio, may lesson na natutunan mula kay Lauren Young


Sobrang blessed ngayong 2014 ang young actor na si Renz Valerio. Nariyan ang kanyang pagkakapanalo sa Pep List Awards sa Male Child Star of the Year category, at nariyan rin ang kanyang Telebabad series na Niño. Sa darating na July 2 naman, ipapalabas na ang pinakabagong pelikula ng GMA Films na Overtime, kung saan gagampanan ni Renz ang character ni Brian Amistoso. 

Kailan lang ay nakausap ng GMANetwork.com si Renz tungkol sa kanyang working experience with Kuya Richard Gutierrez, ngayon naman ay ikukuwento ng binata ang kanyang naging working reklationship with Overtime actress, Lauren Young.

(See more at Renz Valerio on Richard Gutierrez: "Pag work, work!")

Kuwento ni Renz, “Siya (Lauren Young) po, first time ko makatrabaho. And, masasabi ko po talaga kay Ate Lauren, talagang masaya po siyang kasama”. Magaan umano ang kanilang working relationship dahil sa mga ginagawa nilang dalawa in between takes sa movie.

“Ang dami niyang selfies, mga ganoon. Mga Twitter, ang mga pinag-uusapan po namin. Ako po kasi mahilig rin sa selfie, sa Twitter, sa social network so nagkakasundo po kami,” saad ni Renz.

Kung sa Kuya Richard Gutierrez niya, professionalism ang kanyang natutunan, kay Ate Lauren niya ay ang pagkakaroon naman ng light environment kahit na nagtatrabaho, “Magsingit ng fun times during serious na work. Ako po para sa akin ‘pag work, work talaga. Pero kailangan lagyan mo ng kaunting fun para maging masaya pa rin”.

Abangan si Renz Valerio sa Overtime on July 2.

-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com