“’Yung Richard na nakita ko is may depth” – Ruffa Gutierrez on ‘Overtime’ | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Sa special screening ng ‘Overtime’, buo ang naging suporta ng Gutierrez family para kay Richard Gutierrez.

“’Yung Richard na nakita ko is may depth” – Ruffa Gutierrez on ‘Overtime’

By ANN CHARMAINE AQUINO



Sa special screening ng ‘Overtime’, buo ang naging suporta ng Gutierrez family para kay Richard Gutierrez. Dumalo ang mga magulang niyang sina Eddie Gutierrez at ina na si Annabelle Rama. Dumating rin ang kanyang twin brother na si Raymond Gutierrez at si Ruffa Gutierrez para mapanood ang pelikula ni Richard. Pagkatapos ng pelikula, nakatanggap ng papuri ang aktor mula sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ruffa Gutierrez.

Kuwento ni Ruffa, “Kakaiba 'yung pelikula. I came in the cinema not knowing what to expect. May suspense, may comedy”.

Para sa beauty queen-actress, ibang-iba ang naging pagganap ng kanyang kapatid sa role ni Dom Garcia. Aniya, “Hindi siya 'yung typical na Chard na nakikita ko. 'Yung Richard na nakita ko is may depth. Medyo sira ulo”.

Dagdag niya, “napaniwala niya ako na isa siyang deranged computer techie. Na kailangan niyang mag-seek ng revenge. And also, mahusay si Lauren Young (na gumanap na Jody Amistoso) rin dito”.

Bukod sa pagganap ng kanyang kapatid at ni Lauren sa pelikula. Nagustuhan rin ni Ruffa ang kabuuan ng pelikulang 'Overtime'.

“Mahusay 'yung pagkakagawa ng pelikula, so congrats!” pagtatapos ng aktres.