Kubot: The Aswang Chronicles, may bago nang binibini | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Hulaan niyo kung sino ang gaganap na Sonia, ang asawa ni Dingdong Dantes sa 'Kubot: The Aswang Chronicles.'

Kubot: The Aswang Chronicles, may bago nang binibini



Matatandaan kamakailan lang nang mag-post sa Facebook si Direk Erik Matti tungkol kay Lovi Poe. Ngayon, moving forward na ang production ng Kubot: The Aswang Chronicles at may nakuha nang gaganap sa role ni Sonia, ang asawa ni Dingdong Dantes sa Tiktik: The Aswang Chronicles. 
 
Ang baguhan na artistang si Hanna Ledesma ang napili na gumanap sa vital character na ito ng Metro Manila Film Festival entry ng GMA Films, Agosto Dos Pictures at Reality Films. Isang Binibining Pilipinas contestant at graduate ng Bachelor of Science in Management Information Systems specializing in Business Intelligence sa Ateneo si Hanna. Nagtrabaho siya bilang technical consultant sa isang International IT Company at nag-resign lang siya nang sumali sa Binibining Pilipinas 2014.
 
Businessman ang father ni Hanna kung kaya't feeling niya, businesswoman naman ang magiging career niya. 
 
Ayon sa aktres, boyish siya nung kanyang kabataan, dahil na rin lumaki siya na may apat na mas nakatatandang mga kuya. Hindi niya inakala na makakapasok siya sa mundo ng showbiz. 
 
Gaya ng karamihan, nagsimula siya sa mga magazine features at commercials. Nung 2012, nakilala niya si Direk Jeffrey Jeturian na tumulong para sa kanyang training sa beauty contest. Si Direk Jeffrey rin ang nagpakilala kay Hanna kay Atty. Joji Alonso, ang tumatayong manager ng aktres ngayon. 
 
Excited siya na makatrabaho si Direk Erik Matti sa Kubot: Aswang Chronicles kung saan gagampanan niya ang role na naiwan ni Lovi.