'She's a natural' Vic Sotto on Maine Mendoza | GMANetwork.com - Pictures - Articles

Ano kaya ang masasabi ni Vic ngayong tapos na niya ang pelikula kasama si Maine?

"She's a natural" Vic Sotto on Maine Mendoza

By CHERRY SUN

Hanga si Bossing Vic Sotto sa ipinamalas na galing ni Maine Mendoza para sa kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na 'My Bebe Love.'

Kuwento ni Vic na noong una ay hindi maiwasang kabahan ni Maine. Aniya, "Nung first day lang ng shooting namin medyo hindi mo makausap hindi dahil siya’y isnabera, [kundi] dahil kinakabahan."

"Ako naman, mabait naman akong kasama sa trabaho. Nung nakita kong medyo namumutla siya, sabi ko 'Maine, 'wag kang mag-alala talagang nakakanerbiyos 'yan," patuloy niya.

Inamin ni Vic na hindi kasama sa orihinal cast ang kalye-serye darling. Hindi pa kasi nila ito kilala nang simulan nila ang pagplaplano para sa reunion movie nila ni Aiai matapos ang MMFF noong nakaraang taon. Dagdag pa niya ay tila tiniyak daw ng tadhana ang pagkakabuo ng AlDub love team habang binubuo rin nila ang istorya ng 'My Bebe Love.'

READ: "Hindi niya ako inabandona" - Aiai delas Alas on her reunion film with Vic Sotto

Dahil baguhan sa industriya, pinag-usapan daw nina Vic at film producer Tony Tuviera kung kailangan dumalo ng acting workshop si Maine.

Aniya, "Sabi ni Pareng Tony, 'Wag muna. Tignan natin kung ano siya.' Kumbaga sa pagkain ang gusto namin organic, walang preservative."

Ito rin ang kinumpirma ni Maine sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho' tungkol sa kanyang fellow cast members.

Sambit niya, "Masaya naman po 'yung first experience na 'yun, although hindi pa kasi ako nag-take ng workshops kasi parang wala na pong time. Pero okay naman po, tinutulungan naman po ako ng mga nakatrabaho ko po doon. Inaalalayan po talaga nila ako."

Ano kaya ang masasabi ni Vic ngayong tapos na niya ang pelikula kasama si Maine?

"Hindi naman kami nagkamali dahil she has the talent for it. She has the knack for it and she's a natural," wika niya.