Alden Richards at Maine Mendoza, nasa Cebu para sa 'Imagine You and Me' press con | GMANetwork.com - Films - Articles

Nasa Cebu ngayon ang AlDub love team para i-promote ang kanilang pelikula.

Alden Richards at Maine Mendoza, nasa Cebu para sa 'Imagine You and Me' press con

By CHERRY SUN

Ngayong araw, June 22, ay simula na ng series of press conferences and mall shows nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa Imagine You and Me.
 
Nasa Cebu ngayon ang AlDub love team para i-promote ang kanilang pelikula. Ang kanilang mall show ay magaganap sa Gaisano Island Mall Mactan mamayang 6 P.M.
 
Handa na rin ang kanilang press conference na magaganap sa Radisson Blu hotel ayon sa isang litratong ibinahagi ng GMA news anchor mula sa Central Visayas na si Cecille Quibod-Castro.

 

Almost ready for Imagine You and Me press conference at Radisson Blu with @mainedcm @aldenrichards02 #aldub #maiden

A photo posted by Cecille Quibod-Castro (@cecillequibodcastro) on

 
Ang Imagine You and Me ay mapapanood na sa sinehan simula July 13. Ito raw ang special offering nina Alden at Maine sa kanilang unang anibersaryo bilang love team para sa kanilang mga masugid na tagasuporta.
 
READ: Alden Richards, may special na hinahanda paras sa first anniversary ng AlDub
 
MORE ON 'IMAGINE YOU AND ME':

 
LOOK: Ang pamilya ni Maine Mendoza sa pelikulang 'Imagine You and Me'

LOOK: AlDub, nagpakilig sa pagkanta ng kanilang movie theme song