Direk Mike Tuviera, naging emosyonal sa pagtatapos ng 'Imagine You & Me' screening sa local cinemas | GMANetwork.com - Films - Articles

"...This experience has been an absolute dream come true for me, an absolute blessing." - Mike Tuviera

Direk Mike Tuviera, naging emosyonal sa pagtatapos ng 'Imagine You & Me' screening sa local cinemas

By CHERRY SUN

Makaraan ang apat na linggo, natapos na ang local screening ng Imagine You & Me kagabi, August 9, at hindi naiwasan ni Direk Mike Tuviera na maging emosyonal tungkol sa naging matagumpay na pagpapalabas ng pelikulang pinagbidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Kung noong nakaraang taon ay tila plano at pangarap lang para sa direktor ang gumawa ng pelikula para sa phenomenal love team, ngayon ay isa na itong napakahalagang katuparan para sa kanya.

Ibinahagi ng isang niyang follower on Twitter ang luma niyang post.

Sulat dati ni Direk Mike kasabay ng ikatlong weeksary nina Alden at Maine, “We need to hear from all the #AlDub fans. Who wants an AlDub movie??? Tweet about it! Let me hear you.”

“Tonight, Imagine You & Me ends its local theatrical run. This experience has been an absolute dream come true for me, an absolute blessing,” sambit naman niya ngayon.

MORE ON 'IMAGINE YOU & ME':

IN PHOTOS: 10 hugot and kilig lines from Imagine You & Me 

EXCLUSIVE: Alden Richards, nagpasalamat sa pagtangkilik at magandang review para sa Imagine You & Me 

READ: Direk Mike Tuviera appeals to netizens not to watch pirated Filipino movies