WATCH: Ilang Kapuso stars, bibida sa mga pelikulang kasali sa 14th Cinemalaya Independent Film Festival | GMANetwork.com - Films - Articles

Mapapanood sina Glaiza de Castro, Aiai Delas Alas at Therese Malvar sa ilang mga pelikulang lalahok sa Cinemalaya Independent Film Festival na magaganap sa August 3-12, 2018.

WATCH: Ilang Kapuso stars, bibida sa mga pelikulang kasali sa 14th Cinemalaya Independent Film Festival

By MICHELLE CALIGAN

Mapapanood sina Glaiza de Castro, Aiai Delas Alas at Therese Malvar sa ilang mga pelikulang lalahok sa Cinemalaya Independent Film Festival na magaganap sa August 3-12, 2018.

Bibida sa pelikulang Liway ni Kip Oebanda si Glaiza, habang kabilang naman sa School Service ni Louie Ignacio sina Aiai at Therese. Nasa isa pang entry si Therese, ang Distance ni Perci Intalan.

WATCH: Glaiza de Castro, kinaya bang pagsabayin ang 'Contessa' at Cinemalaya film na 'Liway?'

Ani Glaiza, "Naiyak ako eh, sa totoo lang, nung last day namin. Kasi nung sinabi sa akin ni Direk Kip na 'Tapos na tayo, tapos na ang pelikula,' [umiyak ako]. Tears of relief, of satisfaction, of joy."

Si Therese naman, nagpasalamat sa pagkakataong ibinibigay sa kanya.

"Super thankful po ako na hindi na po ako usually nag-audition, like they see me as part of the character mismo while writing the script."

Panoorin ang buong report dito: