gabru

AMA NI RURU MADRID, BOTO SA GABRU

Mar 31, 2015 00:23 am

By BEA RODRIGUEZ
 
Kamakailan lamang sa graduation ng Kapuso aktor na si Ruru Madrid ay nakapanayam namin ang kanyang ama na si Daddy Bong na nagsabing boto daw siya sa love team ng anak at ng Kapuso aktres na si Gabbi Garcia.
  

 

#LetTheLoveBegin ?????? @rurumadrid8

A photo posted by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on


READ: Ruru receives three awards at high school graduation 
 
“Siyempre [botong-boto],” ang sagot ni Daddy Bong.
 
“Matalino, maganda, mabait, mahal yung magulang niya at saka God-fearing” ang paglarawan ng ama ni Ruru kung bakit niya gusto ang InstaDad aktres para sa anak.
 
Nang tanungin naman siya kung approve siya sa GabRu sa totoong buhay, mabilis na sagot ni Daddy Bong, “Oo, why not? Real life? Sa mga nakikita ko, okay naman sila eh…close sila.”
 
READ: Ruru Madrid, Gabbi Garcia’s grad ball date 
 
Sa hiwalay na panayam, naitanong naman namin ang Let The Love Begin leading man kung ano ang masasabi niya sa reaksyon ng kanyang ama, “Siyempre masaya ako na gusto siya ng tatay ko kasi si Gab, sobrang bait kaya kahit sino talaga magkakagusto sa kanya. Iba siya, sobrang maalalahin.”
 
Inusisa naman ng GMAnetwork.com kung kailan ba pwedeng magka-girlfriend ang binata, “Hindi sa pinapayagan [at] ayaw o gusto, darating yung time para sa kanya, in God’s time” sabi ni Daddy Bong.
 
Dagdag pa ng ama, “[Kapag] nahanap niya na ang babae na talagang mahal yung magulang. Isa yun sa qualities na sabi ko kay Ruru [na] hanapin niya kapag mag-gi-girlfriend siya.”
 
Si Gabbi na kaya ang babae para kay Ruru sa totoong buhay?
 
“Sa totoong buhay kasi [ay] naniniwala ako sa destiny so kung siya talaga, siya talaga ang babaeng nakatadhana para sa akin. Kung sakali man na siya ang destiny ko, talagang masaya ako kasi si Gab sobrang napapasaya niya ako every time magkasama kami,” sagot ng young aktor.

Proud dad
 
Ibinahagi rin ni Daddy Bong ang kanyang plano ngayon na nakapagtapos na ang anak ng high school, “Gusto ko talagang makatapos siya, but since minsan ka lang mabigyan talaga ng break [ay] i-ga-grab na namin itong opportunity na ‘to.
 
 

A heartfelt moment between our Kapuso graduate @rurumadrid8 and his proud parents.

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on


Saad ng ama na todo suporta siya sa anak sa karera at sa kolehiyo, “Ang plan ko talaga para sa kanya [ay] sumuporta lang ako sa dreams niya na alam ko namang hindi against kay God [at] alam kong magiging isang magandang halimbawa siya sa mga kabataan. Yung dream ko sa kanya maging role model tagala [na] kahit nagtatrabaho [ay] nakakapag-aral.”
 
“Lagi kong sinasabi na mahal na mahal ko siya and I’m so proud na naging tatay niya ako and I’m so proud na naging anak ko siya. Ito yung beginning ng chapter of his life so good luck and God bless,” ang naging mensahe ni Daddy Bong sa anak.

Gabbi's message for Ruru

Kuwento naman ni Ruru na tinext daw siya ni Gabbi para i-congratulate sa kanyang graduation at proud daw siya na nakayanan niyang ipagsabay ang trabaho at pag-aaral. Bilang ka-love team at kaibigan ay sobrang masaya ang binata na ganoon ang suporta ni Gabbi para sa kanya.
 
READ: Gabbi Garcia, magbabakasyon kasama si Ruru Madrid ngayong summer 
 
Hindi man nakapunta ang Kapuso aktres sa graduation ng ka-love team ay may mensahe naman ito sa pamamagitan ng Instagram post, “Congratulations to this guy for graduating highschool!!! Woot woot.”
 
 

Congratulations to this guy for graduating highschool!! Woot woot ???????????? @rurumadrid8

A photo posted by Gabbi Garcia (@_gabbigarcia) on

STORIES