Louie Pedroso ng 'To The Top,' mas inspired sa buhay nang ma-survive ang leukemia

August 4, 2015

By MARY LOUISE LIGUNAS 



Nang siya’y gumaling mula sa leukemia, mas ginanahan ang To The Top finalist na si Louie Pedroso na pagbutihin ang lahat ng kanyang ginagawa sa buhay. Kaya sa pagsali niya sa first multi-platform boyband competition ng bansa, binibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya. Sa katunayan, naniniwala siyang may edge siya sa mga kasama niya sa programa.
 
“My edge is probably my willingness to adjust to any situation. If you put me in a team, I can be a leader, I can be a follower, I can do the choreography if you need me to, I can adapt kung ano yung kailangan,” kuwento ni Louie.
 
Dahil lahat sila ay gustong maging parte ng boy band, naniniwala siya na mahalaga ang pakikipagtulungan at pagkakaisa. Para sa kanya, mas masusulit niya ang karanasan kung hindi niya ipagkakait ang kanyang mga kakayahan.
 
“Ang [kailangan] sa group dynamic [ay] kumpleto lahat, walang butas. So I’m ready to fill in kahit ano yung butas na yun – not to be the star of the team but to be part of the team, to be a worthy part of the team,” dagdag niya.
 
Gayunpaman, isa sa mga pagsubok para kay Louie ay ang tumira sa ilalim ng isang bubong kasama ang higit sa isang dosenang fellow trainees. Bago ang experience para sa kanya dahil dalawang babae ang kanyang mga kapatid.
 
“It’s new kasi I’ve been living my whole life with just my sisters kaya nasanay ako to be sensitive to girls. I know how girls act, when they have their first period, mga ganun,” natatawa niyang kinuwento.
 
Kakaibang karanasan ito para kay Louie ngunit sinisiguro niyang in-e-enjoy niya ang lahat ng kanyang pinagdadaanan sa show. Namiss niya rin ang high school dahil galing siya sa La Salle Greenhills, na exclusive school for boys.
 
“Medyo sanay na rin ako na may guys na medyo [may pagkamagulo] young mga tao, medyo rowdy, pero meron din naman silang [different kind of self-discipline which I’m learning a lot from],” aniya.

SEE ALL STORIES >