'To The Top' Grand Finale, magaganap na ngayong Linggo!

September 25, 2015

By CHERRY SUN



Matapos ang ilang linggo ng walang-kapagurang ensayo, mahigpit na showdowns, at nakakakabang eliminations, malapit nang kilalanin ang susunod na boy band sensation mula sa To The Top!

Nagsimula sa higit isang daan ang nangarap at sumubok na mapabilang sa kauna-unahang multi-platform boy band competition ng bansa. Matapos ang level 1 auditions ay pinili ang top 25 trainees na dumaan sa matitinding ensayo sa likod at harap ng camera kasama ang kanilang dance at vocal coaches, at pati na ang celebrated photographer na si Mark Nicdao.

LOOK BACK: To The Top’s Cream of the Crop: The Top 25 

Ang top 25 lalo pang sinala sa qualifying performance kung saan una nilang nakilala ang main judge na si Mr. Ryan Cayabyab. Mula rito ay kinilala ang top 14 artists na sasabak sa mas pinatinding competition on air. Nagkaroon din ng pagkakataong bumalik sa laban ang apat na wild cards.

Naglaban-laban ang top 18 artists kasama ang kanilang teams, at sa kanilang third showdown ay nagsimula na ang elimination.

READ: Kilalanin ang tatlong grupong magtatagisan ng galing sa To The Top

Unang natanggal sa kumpetisyon ang Birit Prince ng Rizal na si Luis Gragera. Sunod namang na-eliminate dahil sa hindi inaasahang injury ang Go-Getter na si MJ Magno. Sabay na umalis sina Ken Carpena at Lharby Policarpio via the first double eliminations, habang sumunod ding natanggal ang wild cards na sina Chris Yumang at Seph Manlapaz

Dalawang bagong grupo ang nabuo matapos mawala ng walong artists. Ang bagong Team A at Team B na ang nagharap simula ng seventh showdown. Dito na rin natapos ang journey ni JP Palanca to the top. Samantala, si AJ Ajrouche ang huling na-eliminate na artist pagkatapos ng ika-walong showdown

Sa pagtatapos ng programa ngayong weekend ay magtatapat sa finale ang natitirang sampung artists – ang Team A na binubuo nina Adrian Pascual, Bryan Olano, Edric Ulang, Lance Busa at Mico Cruz, at ang Team B na kinabibilangan nina Cholo dela Cruz, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Martin de Vera at Miko Manguba.

Sino-sino ang magtatagumpay at mapapabilang sa next boy band sensation ng bansa? Abangan ngayong Sabado (September 26), 10:40 P.M., at Linggo (September 27), 9:55 P.M. sa Kapuso network!

SEE ALL STORIES >