Miko Manguba, tinalikuran ang opportunity mag-aral abroad para sa 'To The Top'

August 7, 2015

By MERYL LIGUNAS



Nang magsimula ang taon, plinano na ni Miko Manguba kung ano ang gagawin niya sa kanyang five-month summer break. Dahil matagal na niya gustong mag-biyahe papuntang Europe, inisip niya na ito na ang tamang pagkakataon.

“Since may five-month break kami from school, sabi ko baka ito na 'yung tamang opportunity to go and study abroad,” kuwento ng To The Top finalist.

Nang makahanap ng pagkakataon, agad na nag-apply si Miko at sobra ang kanyang tuwa nang malaman niyang natanggap siya.

“Nag-search ako ng possible programs and nakita ko 'yung seven-week study program [na you will go to seven countries in Europe]. Nag-apply ako dun and I got accepted,” dagdag niya.

Noong dumating ang To The Top, biglang naguluhan si Miko sa kung ano ang pipilin niya.

“Sobrang excited na ko [for Europe] Naka-set na 'yung mind ko na I will go to Europe for this long [vacation], then dumating 'yung To The Top,” sabi niya.

Higit nakatulong ang opinyon ng kanyang mga magulang na ikinagulat niya.

“Nagulat ako kasi nung sinabi ko sa kanila 'yung To The Top, go agad sila kahit alam nilang [I have to forego studying abroad]. They were saying na ‘opportunity 'yan. Kumakatok na sayo 'yung opportunity. I-grab mo na lang,’ Pwede naman daw akong pumuntang Europe next time. Once in a lifetime lang daw 'yung To The Top,” pag-alala ni Miko.

Ikinagalak ni Miko ang reaksyon ng kanyang mga magulang at mas na-inspire pa siyang galingan ang kanyang performance sa kompetisyon.

“Nakakagulat din for me [how they reacted], pero happy ako na supportive sila. Iba 'yung experience ko dito. Hindi ako nagsisisi,” aniya.

Para sa Music Man na si Miko, tama ang kanyang naging desisyon dahil ang dami niyang naging kaibigan at bagong natututunan.

WATCH: Miko Manguba, the Music Man

“''Yung camaraderie talaga namin 'yung sobrang chinecherish ko dito. Kaya natatakot ako na matapos 'yung show kasi sobrang mahihirapan ako mag-let go sa friendship na naform namin… [This is an] opportunity talaga for each and every one of us na mas mag-grow pa as an artist,” idineklara ni Miko.

SEE ALL STORIES >