Lance Busa, talent ang panlaban sa pagsabak sa 'To The Top'

August 7, 2015

By CHERRY SUN



Maliban sa dagdag na pagsubok sa To The Top artists dahil sa kanilang pagkawalay sa kanilang mga pamilya, pasan-pasan din ni Lance Busa ang ilang insecurities niya sa competition.

WATCH: Lance Busa, matagal nang hindi nakakapiling ang pamilyang nasa Mindanao

Sa mga unang level pa lang ng To The Top online ay pansin na ni Lance na tila naiiba siya sa mga kasabayan niya sa auditions dahil sa kanyang itsura.

?Minsan ay nagagawa na rin niyang makisakay sa mga biro at makipaglokohan tungkol dito. Sa recent post ng Golden Boy ng Mindanao ay makikitang kasama niya ang sikat na DJ na si Mr. Fu na tila kahawig niya.

 

Found my brotha from another motha, Mr. Fu! Mas pogi siya 'di ba? (Me ganon?) Pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho), To The Top na, mga Kapuso!

Posted by Lance Busa on Sunday, August 2, 2015


Gayunpaman, aminado si Lance na affected pa rin siya ng kanyang insecurities kahit na nakapasok na siya sa Top 18.

Aniya, “Feeling ko kasi parang the people still want more of the look... ‘Who’s the more telegenic and the photogenic?’”

“Kahit ako, I have the voice, I can dance better than before so parang kahit meron ako nun hindi ko pa rin maa-outshine ‘yung others kasi I don’t have the looks. I could probably say that I’m the least with the looks when it comes to the camera. I still have that insecurity in me,” patuloy niya.

Pero dahil din daw dito ay mas pursigido siyang galingan pa sa kumpetisyon.

“Mas namo-motivate ako. Sobrang mas namo-motivate ako. I-pu-push ko nalang ‘to. I don’t care if people will say that ‘Ayaw ko ‘yan, di naman ‘yan pogi’,” sambit niya.

Nananalig si Lance na sa pagsali niya sa To The Top ay mas makikilala siya ng mga manonood dahil sa kanyang talento. “I hope they really see me because I’m a singer and I’m a performer. I really have that faith that when this show airs, that they would know me, that they would really respect my craft and support me hopefully,” pagtatapos niya.

SEE ALL STORIES >