Seph Manlapaz ng 'To The Top,' aminadong papa’s boy

August 10, 2015

By MARY LOUISE LIGUNAS

 
Proud na papa’s boy ang isa sa mga wild cards ng To The Top na si Seph Manlapaz. Malaking influence sa buhay niya ang kanyang ama, at natutuwa siya dahil all-out ang support nito sa kanyang pagmamahal sa music.
 
“Talagang nagkakasundo po kami [ng dad ko]. [Bale], siya 'yung [go-to peson ko], pinoprotektahan niya po ako. Tapos [supportive po talaga siya sa music career ko. When I told him na] may magandang guitar [that I liked, humanap] po siya agad ng way [para] mabili ko 'yun,” kinuwento ng Guitar Genius.
 
Nalaman din ni Seph mula sa kanyang ina na mukhang matagal nang gusto ng tatay ni Seph na makasali siya sa showbiz at entertainment industry. Kaya’t ikinagalak nito nang naging To The Top trainee siya.
 
“Actually, sabi po ng mom ko [na] feel niya gusto po ng dad ko ng anak na artista kaya parang masayang masaya po siya [na nandito ako. He even says] ‘Sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka ha?’ Masaya po [talaga] siya nung pumasok ako and he’s hoping for the best [for me in this] competition,” dagdag ni Seph.
 
Minsan nga raw ay kinukulit pa siya nito na i-update siya kung anong nangyayari sa show.
 
“Nung first auditions pa lang po, talagang gusto niya na inuupdate ko siya palagi. ‘Ano nangyari? Ano'ng ginawa niyo? Sinong nag-picture sa inyo? Ano'ng kinanta mo? May picture ka ba?’ Ganun [po siya]. So talagang gustong gusto niya na updated siya pagdating po sa career ko dito,” sabi ni Seph.
 
Inspirasyon niya ang kanyang mga magulang sa pagsali sa To The Top. Dahil only child siya, gusto niyang maging proud ang kanyang mga magulang sa kanyang pakikitungo sa iba at kanyang mga performances. Dahil dun, bigay todo  siya sa lahat ng kanyang ginagawa.
 
“Ako lang anak nila [so goal ko po] is maging proud sila sa ‘kin,” aniya.
 
Nagpapasalamat din siya sa pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya ng programa para ipakita at mahasa ang kanyang talent.

SEE ALL STORIES >