Mico Cruz ng 'To The Top', nagsimulang kumanta dahil sa kanyang first crush

August 12, 2015

By MARY LOUISE LIGUNAS



Unang na-inspire si Mico Cruz na kumanta noong siya’y grade three pa lamang. Kinuwento ng Good Guy ng To The Top na napasabak siya sa musika dahil sa isang babae.

“I started ten years old. Crush ko kasi ?'?yung music teacher ko,” sabi niya.

Crush daw ng buong barkada niya ang teacher nila kaya’t nagkaroon sila ng contest kung sino ang pinakamapapansin.

“We had a contest as a group, 'yung friends ko nung grade three kami [na] padamihan ng pogi points dun sa teacher… so [we competed with each other kung sino ang] pinaka makakakuha ng attention niya,” dagdag ni Mico.

Ang naisip na idea ni Mico ay sumali sa club kung saan ang teacher niya ang moderator.

“Sumali ako sa organization niya ng singing. Akala ko [it was a plain group pero] hindi pala. [It turned out to be] a contest. Ginamit ko lang 'yung singing para makuha [yung attention] niya, para mapansin niya ko. Tapos in the end, naging passion ko na ['yung pagkanta]… That’s where it all started,” aniya.

Mula doon, tuloy tuloy na ang pagkanta ni Mico. Ito na ang kanyang naging paraan ng serbisyo sa Diyos at stress reliever. Bago siya sumali ng To The Top, soloist siya sa misa bawat linggo. Tatlong taon niya na raw iyon ginagawa.

“School requirement siya at first and then I learned to love it. Naging hilig ko na siya. 'Yun na 'yung way ko of thanking God kasi He gave me a voice and I know [it’s a special gift] so I have to give back and thank Him. [When] I go to church and sing, [it’s] also my way of relaxing,” kuwento niya.

Mula sa pagkanta dahil sa isang childhood crush, malayo na ang narating ni Mico. Ngayong isa na siya sa posibleng makasali sa boy band na binubuo ng GMA Network, araw-araw niyang pinapakita kung gaano siya ka-passionate sa kanyang ginagawa.

“Iba talaga. Ibang klase. I’m so lucky that I got into [a show na ganito] kaganda. I’m so blessed,” idineklara niya.

Ayon kay Mico, wala siyang araw na sinasayang sa To The Top.

“Parang lahat ng task na binibigay sa ‘kin, I give it my all talaga. As in kung ano man 'yung weakness ko, I [put] so much attention to it.Sobrang inaayos ko [lahat ng ginagawa ko dito because] this is what I love to do. I [also] make it a point to enjoy everything kasi sayang naman. Hindi na ‘to uulit. Hindi mo siya puwede palipasin ng basta-basta, so kahit na pagod na, late na parati umuuwi at ang daming activities, [I make sure to] enjoy it lang,” aniya.

WATCH: To The Top: Mico Cruz, The Good Guy

SEE ALL STORIES >