JP Palanca ng 'To The Top,' childhood dream ang maging bahagi ng isang boy band

August 14, 2015

By CHERRY SUN



Para sa isang lalaking lumaki sa kasagsagan ng boy band era, naging childhood dream ni JP Palanca na maging bahagi ng isang all-male performing group. Ang pagiging boy band fan niya, nag-ugat mula sa pagsubaybay sa ilang grupo tulad ng NSYNC, Westlife at Backstreet Boys.

“That time, kung ikaw ‘yung kid na nasa all-boys school, kung ikaw ‘yung kid na may malay na, 'pag napapanood mo sila, hindi lang naman ‘yung screams ng mga tao ang i-a-idolize mo sa kanila eh, [but] kung paano sila mag-perform, ‘yung concert nila, ‘yung stage, ‘yung entrance nila. Kahit lalaki ka, medyo kikiligin ka na ang galing talaga eh,” pag-amin ng The Dream Boy ng To The Top.

WATCH: JP Palanca, The Dream Boy

Para tuparin ang kanyang pangarap, sumali si JP sa Munggawit, ang elementary choir ng La Salle Green Hills, at sa Kundirana pagtutong naman ng high school. Samantala, nagtatrabaho na siya bilang medical representative nang mapasabak siya sa auditions ng first multi-platform boy band competition sa bansa.

“Before level 1 auditions of To The Top I quit my job ‘coz I think the To The Top auditions was a sign that it’s time to follow my passion naman which is performing,” wika niya.

“Whether I make it to level 2, level 3, I promised myself  I’ll continue performing, I’ll continue singing, dancing and trying and trying until I get there,” pagbabalik-tanaw nito.

Diin ni JP, matindi ang kanyang pagnanais na mapabilang sa boy band ng GMA Network.

Wika niya, “I really want this, para siyang air na kailangan ko. Hindi siya want, kailangan ko talaga siya."

"Talagang laging tumatatak sa utak ko [na] noong bata ako, na ito na ‘yun eh. ‘You really want to be part of the boy band. You really want to be [part of a] world-renowned group,’” dagdag niya.

SEE ALL STORIES >