‘To The Top,’ ipinakilala na ang limang artists na bubuo ng bagong boy band ng GMA

September 28, 2015

By CHERRY SUN
 
Inihayag na ang limang artists na bubuo sa pinakabagong boy band sensation mula sa To The Top, ang kauna-unahang multi-platform boy band competition ng bansa!

 

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on

 
Sa Grand Finale na naganap noong Linggo, September 27, ay ipinakilala sina Joshua Jacobe, Adrian Pascual, Mico Cruz, Louie Pedroso at Miko Manguba, ang mga miyembrong kabilang sa T.O.P.
 
Alay ng Mr. Hataw na si Joshua ang kanyang panalo sa lahat ng nagbigay-suporta sa kanya. Aniya, “Sobrang thankful ako sa lahat ng bumubuo ng To The Top dahil pinagkatiwalaan ako for this position. By the time when my name was called, inisip ko ang pamilya ko at supporters ko. Sabi ko sa sarili ko, ‘Worth it lahat ng pagod nila.’”
 
Halo-halong emosyon naman ang bumalot sa Bulakenyong Baby Boy na si Adrian. Maliban sa sayang nararamdaman dahil sa kanyang pagkapanalo, nakaramdam rin daw siya ng kaba.
 
“Kami na lang ang [bahala] sa aming mga sarili at hindi namin alam kung ano ang haharapin namin sa labas, pero saya talaga ang nangibabaw sa lahat ng aking naramdaman,” pahayag niya.
 
Nanghina naman ang tuhod ng The Good Guy na si Mico nang i-anunsyong pasok siya sa T.O.P.
 
Sambit niya, “Napatunayan talaga na walang imposible pag binigay mo na yung best mo. Natuwa ako na nakita ng judges yung value ko at yung kakaibang skill and charm na nakita nila sa akin.”
 
Parehong hindi nila inexpect ng kanyang best friend at Medyo Pilyo na si Louie na makakapasok sila sa boy band ng Kapuso network.
 
“To be one of the winners in this show is just surreal. Nung narinig ko yung pangalan ko na sinabi ni The Maestro Ryan Cayabyab, merong mga five seconds na wala ako sa mundo.  I couldn't hear, see or feel anything. Sobrang sarap ng feeling na yung hardwork [ko] nag-pay off,” kuwento ni Louie.

Halos pinanghinaan naman ng loob ang Music Man na si Miko dahil huling binanggit ang kanyang pangalan.
 
“Grabe talaga yung feeling, ‘yung pakiramdam na nakikita mong umiiyak ang pamilya mo sa tuwa, pati ang mga kapatid ko saTo The Top na masaya sa naging resulta,” wika niya.
 
“This is just the beginning. We may now be on T.O.P, but there’s a much higher place up there that T.O.P. will hopefully reach one day,” patuloy niya.

SEE ALL STORIES >