Isang sawa na nasa 12 talampalakan na pagala-gala sa isang eskinita ang nahuli ng mga awtoridad sa Angono, Rizal.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nahuli ang sawa Biyernes ng gabi ng Rizal Anti-Crime and Emergency Response Taskforce.

Ayon sa RACCERT, isang residente ang nakakita sa sawa at humingi ng tulong, at eksakto namang nagroronda sila.

Isa sa kanilang kasama ang nag-aalaga ng ahas kaya maalam siya sa paghuli nito.

Nai-turnover na sa Department of Environment and Natural Resources ang sawa. — Jamil Santos/DVM, GMA Integrated News