May mensahe si Kylie Verzosa sa netizens na nag-iwan ng body-shaming comments sa kaniyang Instagram post na makasuot siya ng bikini.

Sa Instagram account, nag-post si Kylie ng “Get Ready With Me” video, na ipinakita niya ang kaniyang diamond bikini top na sinamahan niya ng light-blue cargo pants at white boots para sa annual festival ng online retailer Revolve.

Sa comment section, may mga netizen na nag-iwan ng nakaiinsultong komento gaya ng “too dry” at “ugly.” May mga nagtanong din kung may health problem o eating disorder ang beauty queen-actress.

Gayunman, may mga netizen naman ang nag-iwan din ng positibong komento at nagtanggol kay Kylie.

Kasabay ng pagpapasalamat ni Kylie sa mga nagtanggol sa kaniya, nag-iwan din siya ng mensahe sa mga body-shamer.

“I'm perfectly healthy and happy, I eat healthy and I take very good care of my health. It's sad to see so many Filipinos judging their own. I’m super proud to come from here, but you guys make it hard to appreciate home. We’re far behind, and yet here we are still commenting on other people’s bodies,” saad ni 2016 Miss International.

Pahabol pa niya, “it’s never okay” na magkomento sa katawan ng ibang tao at pinayuhan niya ang mga body shamer na pagtuunan nila ang kanilang sariling kapakanan.

“It’s never okay. I hope you guys are okay and just focus on yourselves and your own personal growth and well-being. Being kind to one another will always be in,” paalala niya.

 

 

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nang-insulto sa kaniyang pangangatawan. Dati na siyang sinabihan ng netizens na masyado siyang payat.-- FRJ, GMA Integrated News