Nagluluksa si Chesca Garcia sa pagpanaw ng kaniyang 70-anyos na ina na si Bing Velasco.

Sa Instagram, nagbigay ng mensahe ng pagpupugay si Chesca para sa kaniyang ina.

“I will miss you so much, Mommy,” saad niya. “I am grateful for all the precious days I spent with you.”

“You were never selfish with your time, always accompanying me to the bathroom so our conversations wouldn't be interrupted,” dagdag niya.

Sinariwa rin niya ang mahalagang pagkakataon na kasama ang kaniyang ina, kabilang na ang kanilang “walking arm in arm” kapag magkasama.

"Everything I know and everything I am is because of you,” sabi ng dating aktres.

“I learned how to be a mom and a wife because you were my prime example, always excelling in everything you did,” patuloy niya.

Sa kabila ng kalungkutan, inihayag din niya na, "I now look forward to the excitement of Heaven, where one day we will reunite with all our loved ones."

Sabi pa ni Chesca, “You can never outgive a parent who kept on giving. I know this because I have been blessed to experience it.”

 

 

Nagbigay-pugay din ang asawa ni Chesca na si Doug Kramer. Sa hiwalay na post, tinawag ni Doug ang kaniyang mother-in-law, “The OG, the coolest grandma, the funniest.”

Taong 2008 nang ikasal sina Doug at Chesca, at nabigyan nila si mommy Bing ng tatlong apo na sina Kendra, Scarlet, at Gavin. — FRJ, GMA Integrated News