Tuloy ang world tour ng The Eraserheads at magtatanghal ang grupo sa Amerika, Canada, at Dubai.

Sa Instagram Reel ni Ely Buendia, na repost mula sa kaniyang manager na si Diane Ventura, nakasaad na magtatanghal ang grupo sa San Francisco at Los Angeles sa California, Honolulu sa Hawaii, Toronto sa Canada, at Dubai sa United Arab Emirates.

Walang pang detalye sa petsa kung kailan gagawin, pati ang venue, maging ang halaga ng tickets.

Bukod kay Ely, kasama sa OPM band sina Raimund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro. Noong 2022, nagsagawa ng one-night-only show ang grupo SMDC Festival Grounds na pinamagatan nilang Huling El Bimbo.

Nitong nakaraang taon, nagtanghal naman ang Eraserheads sa US at Canada.

Nitong nakaraang Marso, nagkasama rin sina Ely at Raimund sa isang gig kung saan nag-perform ng hit song na “Superproxy.” —FRJ, GMA Integrated News