Sinabi ni Aicelle Santos na napag-uusapan na nila ng kaniyang nobyo na si Mark Zambrano na lumagay sa tahimik.

“We have talks. We have plans," anang 32-anyos na Kapuso singer-actress sa ulat ni Rachelle Siazon sa PEP.ph nitong Lunes.

WATCH: Aicelle Santos, Mark Zambrano mark first anniversary with new song ‘Palaging Ikaw’

"Pero darating din tayo sa tamang panahon,” sabi pa ni Aicelle na kasama sa Metro Manila Film Fest entry na, "Ang Larawan."

Boto umano ang ina ni Aicelle kay Mark pero may mga bagay daw na kailangan pa silang gawin.

Tingin ni Aicelle, tila mas malakas ang pressure mula sa mga magulang para sa 40-anyos na GMA reporter na si Mark.

“Siyempre kinukulit kasi he's of age na, e," natatawang sambit ni Aicelle. "Sabagay, lalaki naman siya, e. Pero chill lang kami.”

Patuloy daw na ipinagdarasal ng dalawa na manatiling malakas ang kanilang relasyon.

"Yung prayer namin patuloy pa rin to keep us strong, to keep us together till the end and for God to bless us more,” ayon kay Aicelle.

At ang nagpapalakas daw sa kanilang relasyon ayon kay Aicelle: constant communication, trust, at respeto sa isa't isa.

Paliwanag niya, “He needs his own space and time alone. I need that also.

“Sabi ko nga, e, kung ira-rank mo yun sa akin, respect comes first before love.

"Yung trust it will follow, e, kasi trust is earned.

“Minsan yung love wala ka na sa lugar, di ba?

"Lalo na ang babae very hormonal, minsan wala ka na sa lugar.

“Minsan you should think it out first before saying things, baka makasakit ka na pala.

“It goes with other relationships, e.

"Hindi lang yung boyfriend-girlfriend, pati sa parents and friends, yung ganong klaseng respect and love,” ayon kay Aicelle. -- For more showbiz news, visit PEP.ph