Aicelle Santos, Mark Zambrano mark first anniversary with new song ‘Palaging Ikaw’
Ipinagdiriwang ng Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos at Kapuso reporter na si Mark Zambrano ang kanilang unang anibersaryo bilang magkasintahan ngayong Miyerkules, April 19.
Sa kani-kanilang Instagram account, nagbahagi ang dalawa ng madamdaming mensahe ng pagmamahal para sa isa't isa.
“To the beautiful soul who made me believe in love again, who made my [I]nstagram sweeter and the man I will love forever, happy anniversary! Mahal na mahal po kita,” mensahe ni Aicelle kay Mark.
Mensahe naman ni Mark kay Aicelle, “Happy anniversary mahal ko! Thank you for being the realization of God's plan for me and my heart!”
“Looking forward to the adventures and lasting memories ahead of us. I love you!” dagdag pa niya.
Upang maging mas espesyal ang kanilang first anniversary, ngayong araw rin opisyal na ilulunsad ang “Palaging Ikaw,” ang bagong single ni Aicelle.
Kamakailan lamang, ipinasilip ng Kapuso singer-actress ang music video ng nasabing awitin, kung saan bumibida sila ni Mark.
“Celebrate summer love with us!” aniya.
A post shared by Aicelle Santos (@aicellesantos) on
— Bianca Rose Dabu / AT, GMA News
More on Aicelle Santos and Mark Zambrano:
READ: Paano nagsimula ang love story nina Aicelle Santos at Mark Zambrano?