EXCLUSIVE: Papa Bol, umaming nabigo rin sa pag-ibig kaya matinding humugot ng mga love advice | GMANetwork.com - Radio - Articles

May matitinding hugot din sa love life ang bagong host ng ‘Wanted Sweetheart’ at tinaguriang dream boy ng Barangay LS 97.1 na si Papa Bol.

EXCLUSIVE: Papa Bol, umaming nabigo rin sa pag-ibig kaya matinding humugot ng mga love advice

By AEDRIANNE ACAR

May matitinding hugot din sa love life ang bagong host ng ‘Wanted Sweetheart’ at tinaguriang dream boy ng Barangay LS 97.1 na si Papa Bol.

Sa exclusibong interview ng GMANetwork.com sa radio hunk, naikuwento nito ang naging experience niya pagdating sa pag-ibig.

Matatandaan na radio DJ ng Barangay 102.3 General Santos si Papa Bol, pero ang tunay na kuwento kaya siya napadpad dun ay dahil sa isang nurse na nagpatibok ng puso niya.

Aniya, “Actually nung pumunta ako ng GenSan it was love talaga, kasi I fell in love with the girl without any physical contact, wala talagang intimacy. So noong time na lumipat ako dun nagsisi ako. What you are pag-apart kayo, is different kung ano kayo pag magkasama. Things came out which is hindi kami nag-match up together.”

Nagawa naman maka-move on ni Papa Bol, pero ‘tila may mas matinding pagsubok ang nangyari sa kaniya nang mahanap niya ang isang babae na committed na sa iba.

Kuwento niya, “Someone came, parang pinaasa ako ng someone na mayrung nagma-may ari parang ganun. So I was kept in the loop, I was depressed nung time na ‘yun kasi nga there are so many times na sana nakapasok na ako sa isang maayos na relationship. Pero dinisregard ko kasi I’m waiting for this, so in the end walang nangyari.”

Kaya naman sa tuwing nagbibigay daw siya ng payo sa pag-ibig ay mula ito sa personal experiences ng dream boy ng Barangay LS.

Paliwanag niya, “Actually, lahat ay experience [ko] kumbaga parang I am not the luckiest person in the world when it comes to love life as in [laughs]. Tipong parang ‘Bakit? I mean I’ve done mistakes din.”

“Kaya ngayon hindi ako nage-end up sa relationship pa kasi once na may makita ako konting mali, nadi-discourage ako. For my own well-being, kasi kung makita ko na maapektuhan ako nung maliit na bagay na ‘yun. Baka in the end, lumaki pa siya. So I’d rather be alone than mag-suffer ako with someone.”

Pero paano naman siya naiiba sa ibang radio DJs, when it comes to giving advices to his listeners sa usapang pag-ibig?

“Yung approach ko kasi hindi naman siya talaga matatawag na advice. Kumbaga parang kung may nakita akong chance na makapag-bigay ako ng tip about sa love ibibigay ko na. Pero ‘yung manner ng pagdeliver, ‘yung truth hurts, ‘yung parang ‘di kita bibigyan ng false hopes. Kung sakaling sabihin ng caller na hindi na siya malambing, sasabihin ko talaga sa ‘iyo na may iba na ‘yan.”

More on Papa Bol:

LOOK: Throwback to Papa Bol’s photoshoot for the Barangay LS nationwide campaign 

Bagong 'Wanted Sweetheart' DJ, artistahin daw ayon sa netizens

EXCLUSIVE: Papa Dan reacts to the new Wanted Sweetheart DJ Papa Bol