EXCLUSIVES

Rita de Guzman, naiinggit ba kay Julie Anne?

Published On: August 14, 2014, 3:18 PM
Malapit nang i-release ang dance r&b album ni Kapuso singer Rita de Guzman. Naiinggit ba siya sa kanyang fellow 'Pop Star Kids' finalist na si Julie Anne San Jose dahil tila naungusan na siya nito? 
By AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
 
May regalo ang Kapuso singer na si Rita de Guzman sa kanyang mga fans. Malapit nang i-release ang kanyang bagong album na magpapatunay na she is one of the best singers among the young performers today. 
 
Nang makapanayam ng GMANetwork.com ang PopStar Kids first grand champion, sobrang excited daw siya sa bago niyang album. Gusto na raw niya itong i-rush pero na-realize ng former Villa Quintana star na mas magiging maganda ang kakalabasan nito kung paghahandaan mabuti ang bawat kanta sa kanyang dance R&B album. 
 
“Sobra-sobrang excited. [Kaya] parang nira-rush ko 'yung Records. Sabi ko tara game gawin na natin ‘to. Pero parang sa sobrang ano [excitement] ko, mas maigi siguro [na] mas paghandaan muna namin.” 
 
“Kasi mas nae-excite ako na alam mo ‘yun bawat, bawat kanta na paghahandaan, napag-iisipan para 'pag na-publish hindi lang maganda ‘yung album. Kumbaga alam mo ‘yun bawat, bawat song talagang may laman siya.”
 
Naipamalas din ni Rita sa bago niyang album ang kanyang talent sa pag-compose ng kanta. Ni-reveal ng young singer na karamihan daw sa kanyang composition ay love songs at inamin niya na hopeless romantic daw siya. 
 
“Most of my composition kasi is all about love. So love songs ganyan, puwedeng inspired ka, puwedeng sobrang in-love ka sa tao or puwedeng hurt ka, it’s all about love.”
 
Dagdag pa niya, “Kasi ako talaga hindi ko alam ano tawag sa word na ‘yun. Basta addicted ako sa love. So ako 'yung taong ganun, so most of [my] compositions are like that. It’s all about love.” 
 
Tinanong din namin ang Kapuso singer kung nakakaramdam ba siya ng inggit sa fellow PopStar Kids finalist na si Julie Anne San Jose dahil mas umalagwa ang career nito compared sa kanya. 
 
Ayon kay Rita, never daw siya nakaramdam ng inggit or frustration about her career dahil nararamdaman niya ang support ng Kapuso network sa kanya. 
 
Naniniwala din siya na ang lahat ng tao ay may sariling time. At "moment' daw ni Julie Anne ngayon. 
 
“'Di ba lahat naman may panahon and noong time na nanalo ako, panahon ko ‘yun. And this time, this is her time now. I’m still here naman 'di ba? Hindi naman rin ako pinapabayaan ng GMA so I believe darating uli ‘yung time. Kasi for sure may time naman lahat ng tao.”

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->