Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement
Sa isang iglap, binago ng malakas na lindol ang buhay ng libo-libong taga-Cebu. Tuloy-tuloy pa ang paghahatid ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga apektadong pamilya na hindi natitibag ang pag-asang muling makabangon. Read more
Dahil pa rin sa mga pinsala ng lindol, sarado pa ang maraming tindahan sa Bogo City, Cebu. Apektado rin ang kabuhayan ng marami kaya problema ang makakain at maiinom. Batid 'yan ng GMA Kapuso Foundation kaya agad tayo nagtungo roon upang magsagawa ng Operation Bayanihan. Read more
Matinding pinsala ang iniwan ng Bagyong Opong sa Masbate matapos itong maglandfall ng dalawang beses doon. Maraming tahanan ang nasira, at ang ilang residente problema ang mapagkukunan ng makakain. Read more
Malawak ang iniwang pinsala ng Super Bagyong Nando sa Calayan Island, Cagayan. Mula sa mga bahay hanggang sa kabuhayan ng mga residente, dama pa rin ang bigat ng epekto nito kaya kahit na mahirap ang biyahe patungo roon, sinikap ng Gma Kapuso Foundation na marating ang isla para maghatid ng tulong. Read more
Kabi-kabilang landslide ang naranasan sa Benguet dahil sa nagdaang Super Typhoon Nando. Naapektuhan din ang mga tanim na gulay ng mga magsasaka roon kaya naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa Mankayan at Buguias sa Benguet. Read more
Sa halip na masaganang ani, pinsala ang tinamo ng mga palayan sa Gonzaga sa Cagayan matapos humagupit ang Bagyong Nando roon. Agad na nagtungo sa lugar ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong sa ilalim ng Operation Bayanihan. Read more
GMA Kapuso Foundation, nakahanda na sa paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Nando. Read more
Mula nang mapinsala ng Super Typhoon Odette noong 2021, nagsisiksikan na sa isang classroom ang dalawang grade level sa isang paaralan sa Ubay, Bohol. Dahil sa patuloy na tulong ng parent volunteers, malapit nang magkaron ng bagong Kapuso CLassrooms ang mga mag-aaral doon. Read more
Talaga namang malaking hamon ang problema sa paningin kahit pa yung nanlalabo pa lang tulad ng nararanasan ng isang batang nakilala namin sa Gainza, Camarines Sur. Hirap siyang sumabay sa eskwela pero puno pa rin ng pangarap at pag-asa. Kaya nang makita ng GMA Kapuso Foundation ang kaniyang kondisyon, agad natin siyang ipinasuri. Read more
May 99-days na lang para makumpleto ang inyong Christmas shopping list. Sa mga gustong unahan ang Christmas rush pwede kayong mamili sa Noel Bazaar kung saan may pre-loved items mula sa mga Kapuso star sa darating na Oktubre. At dahil Pasko, pwede niyo ring ibili ng school supplies doon ang mga mahihirap na estudyante na tinutulungan ng Kapuso Foundation. Read more
Hindi lang sa kalusugan nakaaapekto ang tamang nutrisyon kundi maging sa pag-aaral ng mga bata. Kaya sa ating 'Feed-a-Child Project' sa Gainza, Camarines Sur, minonitor ng GMA Kapuso Foundation ang nutrisyong nakukuha ng 300 estudyante araw-araw pati ang kanilang timbang. Read more
Agosto nang itampok natin ang isang residenteng lubhang naapektuhan ng Bagyong Emong sa La Union. Bukod sa nawasak ang kanyang bahay, natigil din siya sa pagha-hanapbuhay. May magandang loob na naantig sa kanyang kwento kaya naman binalikan siya ng GMA Kapuso Foundation para sa handog nating surpresa. Read more
Patuloy pa rin ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng Bagyong Emong sa Pangasinan noong Hulyo. Hanggang signal number 4 ang itinaas noon at maraming bahay ang pinadapa ng malakas na hangin. Dahil po sa inyong suporta, may matibay na bubong na ang mahigit 100 residenteng naapektuhan. Read more
alang patid ang GMA Kapuso Foundation sa paghahatid ng tulong. Matapos ang ating isinagawang Operation Bayanihan para sa mga nasalanta ng Bagyong Emong sa Pangasinan binalikan naman natin sila para magkaroon sila ng maayos na masisilungan sa ilalim ng Silong Kapuso Project. Read more
Sa halos tatlong dekadang pagkaka-bilanggo, hanggang sa alaala na lang nayayakap ang pamilya ng babaeng aming nakilala. At sa kanyang paglaya, isinakatuparan ng GMA Kapuso Foundation ang matagal na niyang pangarap— ang muling makapiling at mayakap ang kanyang mga mahal sa buhay. Read more
advertisement
Tunay na inspirasyon ang ilang person with disability na aming nakilala sa Northern Mindanao. Kahit na naputulan o ipinanganak na walang kamay, patuloy silang nagsusumikap at hindi nawawalan ng pag-asa sa buhay. Bilang tulong, handog ng GMA Kapuso Foundation at LN4 Foundation ang libreng arm at hand prosthesis para sa kanila. Read more
Bawat magulang, hangad ang malusog na kinabukasan ng kanilang anak. Ngunit may ilang sakit na hindi agad nakikita sa pisikal na anyo ng isang bagong silang na sanggol at natutukoy lang sa pamamagitan ng newborn screening. Kaya ang GMA Kapuso Foundation at Department of Health Calabarzon ay nagsagawa ng libreng newborn screening sa Quezon, Rizal at Laguna. Read more
Mabilis na tumaas ang baha sa Pililla, Rizal dahil sa walang tigil na pag-ulan kahapon. Kabilang sa mga naapektuhan ang mga mag-aaral sa ating Kapuso Classrooms sa Matagbak Elementary School. Read more
Anumang lakas ng pagyanig ng lindol o paghagupit ng bagyo, hinding hindi matitibag ang pangarap ng mga kabataang patuloy na nagsusumikap sa pag-aaral para sa kanilang mga pangarap. Gaya niyan ang mga estudyanteng nakilala namin sa Ubay, Bohol na hahandugan ng GMA Kapuso Foundation ng bago at matitibay na mga silid-aralan. Read more
Karamihan sa mga bata -- pihikan sa pagkain lalo kung gulay. Kailangan pa man din 'yan para hindi sila sakitin at mas maging aktibo sa pag-aaral.kaya ang GMA Kapuso Foundation, 'di lang nagpapakain ng mga batang undernourished sa Gainza, Camarines Sur kundi namigay rin ng vegetable seeds sa kanilang mga magulang. Read more