EXCLUSIVES

Discover Kylie's gift of music

Published On: August 18, 2014, 4:29 PM
Matagal na daw nagsusulat ng kanta ang former 'Adarna' star na si Kylie Padilla, kaya hindi nakapagtataka na gumawa ng album ang Kapuso actress via GMA Records.
BY AEDRIANNE ACAR
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Matagal na daw nagsusulat ng kanta ang former Adarna star na si Kylie Padilla, kaya hindi nakapagtataka na gumawa ng album ang Kapuso actress via GMA Records.

Nakilala man una ng mga Kapuso natin bilang aktres, hindi nawala ang desire ni Kylie na maipakita at maiparinig sa mga tao ang kanyang passion for music kaya nabuo ang album niya.

Aniya, “Actually nung naisipan kong gumawa ng album wala akong inisip na theme. Nagsulat lang kasi ako. Nagsusulat na ako noon pa actually. So nakita kong naipon 'yung mga naisulat ko [at] nagawan ko na rin ng tono, so sabi ko sa manager ko, 'Tita gawin kaya natin album ‘to para lang marinig ng ibang tao ‘yung nagawa ko'”.

Ilan daw sa mga idols at inspirasyon ni Kylie na mga musician ay sina Lorde, Ed Sheeran, Rihanna, Marina and the Diamonds at ang UK boy group na One Direction.

Pero naniniwala ang Kapuso talent na marami pa daw siyang dapat matutunan para higit na mapabuti ang kanyang pagkanta at pagsusulat.

Saad ni Kylie, “So ngayon, ‘yun ang inaaral ko, mag-aaral ako para magperform [kung] paano maging singer talaga. As in hindi lang siya personal, kailangan pag pinapanood ako ng tao makaconnect din sila, mag-enjoy din sila.”

Malaking tulong daw ang mga advice na nakukuha niya sa mga kaibigan at katrabaho niya tulad na lang daw ng advice na ibinigay ng RnB Princess Kyla.

“Si Ate Kyla natanong ko, okay naman daw pero 'yun nga kailangan ko maaral ‘yung paano magperform, [maging] performer! Hindi lang kinakanta mo 'yung kanta mo.”

Tinanong din namin si Kylie kung may favorite ba siyang single sa kanyang album na ‘SEASONS’.

Sagot niya, “Siyempre Gitara. May meaning talaga kasi 'yung kantang na ‘yun. At saka pag kinakanta ko, naging emosyonal ako, talagang may binabalikan ako. Ayun mga ganung kanta ‘yung talagang sarap pakinggan pero pag ayaw mong malungkot siyempre huwag mong pakinggan (laughs)”.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->