EXCLUSIVES

Julie Anne shines like a diamond

Published On: December 12, 2014, 5:24 PM
GMA Records presented Julie Anne San Jose with the Diamond Record award for her self-titled debut album.
By CHERRY SUN
 
Tunay na malayo na ang narating ng Popstar Kids alumna na si Julie Anne San Jose. Matapos ang dalawang taon ay umabot na sa Diamond record status ang kanyang self-titled album.
 
Mangiyak-ngiyak si Japs nang siya ay gawaran ng pagkilala mula sa GMA Records.



Ngayon, siya ay masasabing kabilang na sa hanay nina Jose Mari Chan, Nina at Christian Bautista.
 
 

Diamond. You just dunno how thankful I am. Adiks, para sa inyo to. Luv you all. ???????? #blessed

A photo posted by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

 
Sa panayam ng 24 Oras ay puno pa rin ng saya ang Asia’s Pop Sweetheart dahil sa nakamit na tagumpay ng kanyang first album.
 
Aniya, “I would like to thank of course my supporters dahil sinuportahan po nila ako from beginning hanggang kung nasaan po ako ngayon. And I’m really, really, really grateful and blessed.”
 
Para ipakita rin ang kanyang pasasalamat ay personal niyang pinuntahan ang kanyang mga fans na bumibili ng tickets para sa kanyang ‘Hologram’ concert na gaganapin sa December 13. 

Samantala ang kanyang ikalawang album "Deeper" ay nasa Gold Record status na.  Matatandaan na ang single na "Deeper" ay ginamit na theme song para sa Koreanovela na "Tale of Arang" at ang "Right Where You Belong" ay ang theme song naman ng "The Master's Sun".  Mayroon ding bonus cut ang album, na collaboration ni Julie Anne with rap artist Abra. Ito ay ang "Dedma", ang theme song ng upcoming GMA Films MMFF entry "Kubot".
 
Watch out for the world premier of Julie Anne's latest music video "Tulad Mo" on Dec. 15, 2014 on GMA Records' YouTube channel (GMARecordsOfficial).

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->