EXCLUSIVES

Rita Daniela, inspired sa pagsulat ng "Di Lang Ikaw"

Published On: April 23, 2015, 7:45 PM
Saan naman kaya siya humugot ng inspirasyon?
By CHERRY SUN

Sa unang album ni Rita Daniela ay maririnig na rin ang kauna-unahang kantang siya mismo ang nagsulat, ang ‘Di Lang Ikaw.’

 

A photo posted by Rita Daniela (@missritadaniela) on


Ayon kay Rita, hindi siya nahirapan at tumagal lamang nang hindi lalagpas sa isang oras ang pag-compose niya nito.

READ: Rita Daniela, a singer from a family of dancers 

Aniya, “Iba ‘yung feeling, iba ‘yung kapag gumagawa ka ng kanta kapag inspired ka. Number one ‘yan sa sangkap sa paggawa ng kanta. Pag talagang hindi ka inspired, mahirap talaga gumawa.”

Saan naman kaya siya humugot ng inspirasyon?

“This song is about my infatuation with a guy. Well hindi naman pag sinabi mong infatuation, ‘Yes I’m in a relationship’,” tugon niya.

“Nung time na ‘yun siguro matindi talaga ‘yung infatuation ko sa kanya. Right after natapos ko ‘tong song na ‘to, agad-agad naisip ko ‘yung aregalo, kung paano ‘yung kalalabasan,” patuloy niya.

Nang malaman ni Rita na mapapabilang sa kanyang self-titled album ang kanyang composition ay hindi raw niya mapigilang tumalon at magsisigaw sa tuwa.

“Ganun pala kasarap ‘yung feeling kapag gumawa ka ng kanta tapos narinig mo siya at tapos na siya, at nakuha ‘yung nasa isip ko. Every time I sing this song it makes me happy,” sambit ng batang GMA Records artist.

PHOTOS: Rita Daniela, the all-out performer 

Inspired si Rita nang isulat niya ang kanta at ngayong maririnig na rin ito ay nais din niyang maging inspirasyon sa iba.

“[In] every song, I want na maipasa ko sa kanila ‘yung feelings na nagawa ko at naramdaman ko every time I sing my songs,” pagtatapos niya.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->