EXCLUSIVES

Mark Herras, proud na proud sa “anak” na si Julian Trono

Published On: April 28, 2015, 8:00 PM
Kasama ni Julian Trono naki-'Wiki Me' ang mga Kapuso artists sa 'Sunday All Stars' noong nakaraang Linggo (April 26). Isa sa mga ito ay ang kanyang malapit na kaibigan at tatay-tatayan na si Mark Herras, ang Bad Boy of the Dance Floor. 
By MARY LOUISE LIGUNAS

Isang star-studded na Wiki Me ang natunghayan ng mga Kapuso sa Sunday All Stars noong April 26 nang sinamahan nina Mark Herras, Sef Cadayona, Rocco Nacino, Rodjun Cruz, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Bea Binene, Louise Delos Reyes at Bianca Umali si Wiki Me singer Julian Trono sa entablado.

Si Mark Herras na tatay-tatayan ni Julian ay hindi naitago ang pagiging proud sa mga nakamit ng young performer. Nag-train sa Korea ang seventeen-year-old star sa ilalim ng K-Pop system, nag-guest at perform sa Korean variety show na Show Champion, at nag-shoot ng music video doon.

“Para sa isang bata, hindi ka na bata,” sabi ni Mark sa isang mensahe para kay Julian sa kanyang Instagram account.

Tinawag rin niya ito sa kanyang nickname, patunay ng kanilang pagiging malapit sa isa’t-isa. “Jemjem!! So proud of you ‘nak!! Sa lahat ng narating mo!! K-pop ka na ‘nak!!,” dagdag niya.

Payo ng mas nakakatandang aktor sa kanyang kapwa-dancer ay manatiling mapagkumbaba anuman ang kanyang maabot. “Huwag kang magbabago… Laging magpasalamat sa taas,” aniya.

 

A photo posted by Bobbybong Marley (@marktheherras) on

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->