EXCLUSIVES

Rita Daniela on reviving Fallin’: "Siguro ito ‘yung bawi ni Tito Janno sa akin"

Published On: April 30, 2015, 4:11 PM
Hindi maitago ng GMA Records artist na si Rita Daniela ang kanyang saya nang malamang ire-revive niya ang kantang "Fallin’" na pinasikat ni Janno Gibbs.
By CHERRY SUN

 
Hindi maitago ang galak na nararamdaman ng GMA Records artist na si Rita Daniela nang malaman niyang ire-revive niya ang kantang "Fallin’" na nauna nang pinasikat ni Janno Gibbs.
 
Aniya, “Sobrang nagulat ako kasi balita ko talaga maraming kumukuha ng song na ‘to. Sobrang saya ko na ‘Uy, my God! Talaga?’”
 
Aminado si Rita na itinuturing niyang inspirasyon at idolo ang King of Soul dahil sa kanyang istilo ng pagsulat at pagkanta. Sa katunayan, dati ay piniling maka-duet ni Rita si Janno para sa promo ng Popstar Kids Grand Finals.
 
“Sabi nila, ‘Hindi 'wag na, mag-isip ka ng iba kasi baka hindi ka niya mapuntahan. Sabi ko, ‘Hindi po, kaya po ‘yan.’ Talagang pinaglaban ko talaga,” pag-alala ng batang singer.
 
“At the end of the day, kinanta ko siya ng solo. Hindi siya nakapunta. He texted me naman and nung nagkita kami, sabi niya, ‘Sorry talaga, babawi ako. Sorry 'di ako nakaabot,’” patuloy niya.
 
At ngayong gagawa siya ng revival ng "Fallin’," hindi maiwasang isipin ni Rita na tila ito ang pambawi ni Janno sa kanya.
 
Sambit niya, “Siguro feeling ko ito ‘yun, ito na ‘yung sabi niyang bawi. And sobrang thank you po talaga Tito Janno kasi binigyan niyo ako ng chance na gumawa ng style ko, na bigyan siya ng new sound.”
 
“Alam ng tao kung ano talaga ‘yung tunog nung Fallin’ so medyo nakakatakot siya, talagang malaking risk ‘to pero mas lumalamang dun ‘yung sobrang thank you talaga. Kasi binigyan mo ako ng trust,” dugtong niya.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->