EXCLUSIVES

“Hindi talaga ako bumibirit” – Rita Daniela

Published On: May 15, 2015, 5:05 PM
Simula pa noong sumali siya sa contests tulad ng 'Popstar Kids' ay “chill” lang daw ang kanyang pagkanta. Sa ganitong paraan daw niya mas napapahayag ang sarili niya.
By CHERRY SUN



All-out performer man si Rita Daniela ay hindi naman niya itinuturing na isang belter siya.

“Hindi po, hindi talaga. Technique lang ‘yun. Pero ‘yung totoo talagang style ko hindi talaga ako bumibirit,” sagot ni Rita sa panayam ng GMANetwork.com.

Kwento ng Let the Love Begin actress at GMA Records artist ay simula pa noong sumali siya sa contests tulad ng Popstar Kids ay “chill” lang daw ang kanyang pagkanta. Aniya, sa ganitong paraan daw niya mas napapahayag ang sarili niya.

Gayunpaman, wala naman siyang masamang ibig tukuyin tungkol sa mga bumibirit sa pagkanta.

Wika niya, “Actually, isa ‘yun sa pinakamahirap talaga. I salute all the singers na kayang gumawa nun.”

“Ako hanggang ngayon nangangarap pa rin ako na magawa ko ‘yun one day. Pero lahat naman syempre napag-aaralan,” patuloy nito.

WATCH: 5 moments of Rita Daniela’s singer-dancer crossovers 

Sa ngayon ay mas nakaka-identify si Rita sa Rhythm and Blues. Ito ang genre ng kanyang una at self-titled na album.

Pahayag niya, “Nandun ‘yung soul ko, nandun talaga ‘yung passion ko sa pagkanta.”

READ: Rita Daniela is happy, excited, nervous for her first and self-titled album 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->