EXCLUSIVES

Kaya mo bang i-Dubsmash si Julie Anne San Jose?

Published On: May 19, 2015, 3:34 PM
Hinahamon kayo ni Julie Anne sa isang Dubsmash challenge!
By CHERRY SUN

Hindi maikakaila ang ginintuang tinig ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.

Kaya naman, sa mga nagnanais na kahit minsan ay maging ka-boses siya ay ito na ang inyong chance. Hinahamon kayo ni Julie Anne sa isang Dubsmash challenge!



Para sumali, i-follow ang Instagram accounts ni Julie Anne (@myjaps) at ng GMA Records (@gmarecords). I-record ang inyong sariling version ng kanyang kantang ‘Kung Maibabalik Ko Lang’ gamit ang Dubsmash at i-upload ito sa inyong Instagram account. Gamitin ang hashtag na #JapsDubsmash, i-tag si Julie Anne at ilagay rin ang lugar ng inyong tirahan.

Ilalabas ang best Dubsmash videos sa official YouTube channel ng GMA Records. Si Julie Anne ay may sorpresa rin para sa kanyang pinakamagaling na fan.

Kapuso, kaya mo bang i-Dubsmash si Julie Anne? Sali na!

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->