EXCLUSIVES

Bagong banda na 'The Mike Bon Gang,' mapapakinggan na sa 'Reply 1997' ngayong August 10

Published On: July 30, 2015, 7:30 PM
Mga Kapuso, makikilala na ninyo ang bagong banda na The Mike Bon Gang ng GMA Records.
By AL KENDRICK NOGUERA
 

Mga Kapuso, makikilala na ninyo ang bagong banda na The Mike Bon Gang ng GMA Records. Maririnig na ninyo ang kanilang single na Umaasa Pa Rin Ako, ang theme song ng pinakabagong GMA Koreanovela na Reply 1997 na magsisimula na sa August 10.
 
 
Sa launch ng OPM band noong July 28, inamin ng ilang mga miyembro na sina Mike Bon at Cholo Escano na excited na silang mapakinggan ang kanilang first single sa TV.
 
"Ngayon pa lang ang saya ko na kasi nakikita ko sa YouTube 'yung views ng Reply 1997, 'yung mga teaser. Grabe, ang dami na ng views so sobrang ngayon pa lang [ay] hindi ako makatulog sa saya. Excited na rin kami mapanood 'yon," bahagi ng vocalist na si Mike sa 24 Oras.
 
Samantala, ikinuwento naman ni Cholo ang pinagdaanan ng kanilang grupo bago nila makamit ang tagumpay. Aniya, "More than 10 years na kaming magkakaibigan and we've been planning this for such a long time. And I think 'yung timing is just perfect. GMA Records picked us up."
 
 
Pakinggan ang TV debut ng kanilang single sa Reply 1997 ngayong August 10 na bago mag-24 Oras.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->