EXCLUSIVES

Album ni Alden Richards, malapit nang i-release

Published On: August 26, 2015, 6:52 PM
Sa Instagram post ng GMA Records ay ihinayag na malapit nang marinig ang pinakahihintay na album ni Alden Richards.
By CHERRY SUN

Sa Instagram post ng GMA Records ay ihinayag na malapit nang marinig ang pinakahihintay na album ni Alden Richards.

 

Malapit na lumabas ang album ng crush ng bayan! @aldenrichards02 #AldenRichardsRecording

A photo posted by GMA Records (@gmarecords) on



Sa panayam ng GMANetwork.com sa Pambansang Bae ay ikinuwento nito ang naging masusing pagpaplano para sa kanyang proyekto with GMA Records.

Aniya, “Parang 3 months na siya in the making. We planned the album on a long term basis, na hindi lang ako magre-release ng isang song one time big time.”

LOOK: Alden Richards signs contract with GMA Records 

Kahit nakapag-release na si Alden ng unang album sa ibang record label noon ay tutok pa rin siya sa paghahanda para sa kanyang bagong album.

Ginagaya raw niya ang mga vocal exercises ng ilang Kapuso singers tulad nina Kris Lawrence, Mark Bautista at Christian Bautista. Tuloy-tuloy din ang kanyang voice lessons tuwing pagkatapos ng Eat Bulaga.

Batid niya, “Happy, kasi for four years siguro parang binigyan ako ng chance ng GMA to do a recording, a chance to be part of the GMA Records family. Happy ako kasi ano ba ‘yung pinakamasarap na feeling na magkaroon ka ng sarili mong album in your home network."

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->